LAOAG CITY – Patay ang isang lolo matapos barilin sa ulo habang nakamotorsiklo angkas ang kanyang live-in partner sa Barangay Lubigan, Badoc, Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima na si Rofu Polendey, 80-anyos, magsasaka habang ang live-in partner nito ay si Amy Alcovendas, parehong residente sa Barangay Alay sa nasabing bayan.

Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Laoag kay Police Major Artemio Clemente, ang chief of police sa bayan ng Badoc, sinundo ng biktima ang live-in partner nito na nagtatrabaho sa poblacion.

Aniya, nang pauwi na ang mga ito ay sinundan ng dalawang lalaki na nakasakay din ng motorsiklo ang maglive-in partner at noong nakarating a sila sa nasabing barangay ay dito na binaril ng gun man ang ulo ng biktima gamit umano ang isang 9mm na baril.

Dagdag ni Clemente na walang tinamong sugat ang live-in partner ng biktima.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang motibo ang pagkakakilanlan sa mga suspek.