CAGAYAN DE ORO CITY- Kaawa-awa ang sinapit ng maglolo matapos masagasaan ng luxury car sa crossing Midkiwan, Brgy Bayanga nitong lungsod.

Kinilala ang mga biktima na sina Venancio Carampatanta, 51-anyos at Khesias Carampatanta, tatlong taong gulang na nakatira sa naturang lugar.

Sinabi ni Lumbia Police Station commander Capt Valentine Baja na biglang tumawid sa daan ang mga biktima kaya nasapol sa humarorot na Hyundai Tucson na minamaneho ni Jerwin Villamor, 30, residente sa Lurugan Valencia City Bukidnon.

Ayon kay Capt. Baja, kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang kakaharaping kaso ng driver kung walang mangyayaring amicable settlement.