LEGAZPI CITY – Magpapatupad na ng lockdown ang Albay sa pagpasok ng live at processed pork products matapos magpositibo sa African swine fever (ASF) ang ilan sa samples na kinuha sa namatay na mga baboy sa Bombon, Camarines Sur.
Ayon kay Legazpi City Veterinarian Dr. Emmanuel Estipona sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakausap na niya si Albay Gov. Al Francis Bichara para sa naturang lockdown upang maiwasan na makapasok sa lalawigan ang ASF.
Simula ngayong araw ay ipinagbabawal na ang pagpasok sa Albay ng karneng baboy na mula sa ibang mga lalawigan.
Sa kabila nito ay nanawagan ang opisyal sa publiko na manatiling kalmado lalo pa at hindi naman ito nakakahawa sa tao kasabay ng pakiusap sa mga trader na proteksyunan ang pork industry.
Samantala, popondohan na rin ng City government ng Legazpi ang chicken production bilang alternatibo sa karneng baboy upang hindi magkulang ang suplay ng pagkain sa lalawigan.
Dagdag pa ni Estipona na kung mapalaki na ang chicken industry ay pag-aaralan na rin ang pag-develop ng rabbit industry na siyang ginagawa sa ibang lugar sa bansa.
Sa kabilang banda, nanawagan pa ang opisyal sa mga hog raisers na ipagpatuloy pa rin ang pag-aalaga ng baboy kasabay ng dobleng pag-iingat