-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tuluyan nang tinanggal ng pamahalaan ng Republic of Ghana ang tatlong linggong lockdown na nagsimula noong Marso a-30.

Ngunit inihayag ng Butuanong si Oliver Terante sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, direkta mula sa Ghana, na sinusunod pa rin nila ang mga health protocols gaya ng social distancing, pagbawal sa pagpa-party, paglibing, klase, simba at iba pang pagtitipon ng mga tao.

Habang sarado pa rin hanggang sa ngayon ang kanilang mga borders kung kaya’t wala pa ring mga eroplanong maglabas-masok sa nasabing bansa.

Kahit ang kanilang tanggapan ay hinati ang shifting nilang mga empleyado kung saan may magre-report physically sa kanilang tanggapan at may magwo-work from home naman at lingguhan ang kanilang salitan.

Layunin nito na mabawasan ang mga taong magdu-duty lalo na’t ang bawat building ay nilimitahan lang ng tigbi-25 katao sa loob.

Ang ayudang ibinigay ng pamahalaan sa Ghana sa mga mahihirap nilang mamamayan at tatlong buwang libreng bayad sa makumsumo nilang kuryente, tubig at maliban pa sa pagkain habang nagdo-donate naman ang mga pribadong kompanya.