-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mananagot ang mga opisyal ng barangay na pinupulitika ang pamamahagi ng relief at cash assistance ngayong panahong may kinahaharapa ang bansa na krisis.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Justin Batocabe Director ng National Household Targeting Office ng DSWD, sa oras na natapos ang enhance community quarantine dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay hahabulin daw ng pamahalaan ang mga pasaway na mga local government officials.

Ang paghabol sa mga irereklamong local government officials ay isasagawa mismo ng Department of Interior and Local Government.

Ang pahayag ni Batocabe ay kasunod na rin ng mga reklamong inuuna ng ilang pulitiko ang kanilang mga kamag-anak na bigyan ng ayuda sa gitna na rin ng kinahaharap na covid pandemic.

Tiniyak naman ni Batocabe na sapat ang supply ng relief goods maging ang cash assistance kahit napalawig ang lockdown hanggang Abril 30.