-- Advertisements --

Kinuwestyon ni Justice Committee member Rep. Terry Ridon ang listahan ng mga mambabatas na umano’y nag-withdraw ng kanilang suporta para iimpeach si Vice President Sara Duterte, na ibinahagi online.

Ito ay dahil naglalaman umano ito ng pekeng pangalan.

Sa isang statement, sinabi ni Ridon na kung totoo man ang pagbawi ng suporta ng mga mambabatas, bakit umano isa sa mga mambabatas na nabanggit ay nagngagalang “Bier Rodriguez.

Saad ni Ridon, nagpapakalat ang mga tagasuporta ng Bise Presidente ng listahan ng mga kongresista na umano’y nag-withdraw ng suporta para sa impeachment.

Bagamat ilan sa mga pangalan ay aktwal na tumutukoy sa mga mambabatas, ang pang-walo sa listahan ay isang nagngangaalang Bier Rodriguez.

Sa ilalim ng 20th Congress, tanging tatlong House members lamang ang mayroong apelyidong Rodriguez kabilang sina Catanduanes Rep. Eulogio Rodriguez, Abamin party-list Rep. Maximo Rodriguez Jr., at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez.

Lumabas ang naturang claim matapos ang impeachment hearing noong Abril 29, kung saan nakitaan ng Justice Committee ng probable cause para i-impeach ang Bise Presidente.