-- Advertisements --

Inihayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na posibleng sa Hunyo o Hulyo pa ligtas lumabas kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni NEDA chief at Socio-economic Planning Sec. Karl Chua na batay sa health capacity partkular sa testing capacity ng bansa, sa mga nasabing buwan magpi-peak ang COVID-19 infection.

Ayon kay Sec. Chua, may iba namang modelong kanilang tinitingan at nakasalalay sa pagsunod ng mga mamamayan sa mga panuntunan sa enhanced community quarantine gaya ng social distancing, palagiang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face masks, gayundin sa kakayahan ng mga ospital sa bansa lalo na ang pagkakaroon ng sapat na ventilators at ICU.

Naniniwala si Sec. Chua na mahirap magmadali sa pag-relax ng ECQ dahil posibleng aabot sa milyon ang magkakasakit ng COVID-19 na tiyak hindi kakayanin ng bansa.