CAGAYAN DE ORO CITY – Isasabak ng Russian scientists at experts ang nasa 40,000 kababayan nila para sa panibagong ekspiyermento kasama ang mga ekspiyerto mula sa United Kingdom nitong linggo.
Ito ay upang bigyang katuparan ang collaborative clinical expirements ng dalawang bansa gamit ang Sputnik V ng Russia at Chadox1 vaccines ng UK para makabuo ng panibagong mas epektibo na bakuna na pangontra laban sa COVID-19 sa buong mundo.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni UK-based molecular biologist Dr Don Valledor na inisyal na sila na magpapadala ng limang ekspyerto nila upang mag-supervise ng kanilang bakuna habang isasagawa ang trial vaccination sa mga nagboluntaryong Roso simula nitong linggo.
Sinabi ni Valledor na maaring mayroon ding pupunta na Russian health experts sa UK para magsagawa rin ng kanilang pag-aaral gamit ang mixture ng dalawang mga bakuna.
Dagdag nito na umaasa sila na sa buwan ng Pebrero o Marso 2021 ay magkakaroon na sila ng resulta sa pinasok na kasunduan kasama ang Rusya.
Maggunitang kapwa tiniyak na parehong nasa 90 hanggang 95 porsyento na epektibo ang Sputnik V ng Russia at Chadox1 vaccine ng AstraZeneca at University of Oxford ng UK na panlaban sa COVID-19.