Libu-libong mga residente sa South Korea ang inilikas bago pa man nag-landfall ang typhoon Hinnamnor sa timog na bahagi ng naturang bansa.
Ang nasabing bagyo ay una nang dumaan sa Pilipinas bilang supertyphoon kung saan pinangalanan itong bagyong Henry.
Sa ngayon nag-iwan na rin ang bagyo ng mga pagbaha sa ilang lugar ng South Korea at pagkawala ng suplay ng koryente.
Inaasahan naman na magpapatuloy pa rin ang malakas na buhos ng ulan at malakas na hangin sa buong araw.
Ang bagyong Hinnamnor ay tinawag sa South Korea bilang “one of the most powerful” sa nakalipas na mga dekada.
Nag-landfall ang sentro nito nitong nakalipas na magdamag malapit sa port city ng Busan.
Nagdulot ang bagyo ng malalakas na alon at ulan na ikinasira ng ilang mga beachfront roads at mga shops.
Kahapon pa ay pansamantalang nagkansela ng klase ang may 600 mga eskwelahan sa buong Korea at umabot sa 250 na mga domestic flights ang kinansela.