-- Advertisements --
Kasabay ng pagsisimula ng klase para sa school year 2025-2026, maghahandog ang Department of Health (DOH) ng libreng check-ups para sa mga first-time schooler.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, isasagawa ang checkups sa iba’t ibang mga pampublikong paaralan bilang parte ng Road Safety event ng DOH sa lungsod ng Pasay ngayong araw ng Sabado, Hunyo 14.
Kabilang sa isasagawang check-ups ay para sa nutrisyon, mata at pandinig.
Ibinahagi din ng DOH na nakatakdang simulan ang pagbabakuna para sa mga estudyante sa buwan ng Oktubre, kung saan kabilang sa ibabakuna ang vaccines kontra Tetanus-Diphtheria at Human Papillomavirus (HPV).