Kumolekta ng 21 points at 13 rebounds si Kawhi Leonard upang banderahan ang Toronto Raptors sa mistulang pagmasaker sa Philadelphia 76ers sa Game 5 ng kanilang semifinal series, 125-89.

Sumandal din kay Pascal Siakam na tumabo ng 25 points ang Raptors, na ginamit ang second quarter upang tambakan nila ng 21 points ang Philadelphia, para itala ang 64-43 lead sa halftime.

Napalawig pa nang husto ng Toronto ang kanilang abanse sa nakabibilib na 40 points sa pamamagitan ng dunk ni Norman Powell sa huling mahigit dalawang minuto.

Dahil sa tagumpay na ito, hawak na ng Toronto ang 3-2 lead at maaari nilang ilaglag ang 76ers sa Game 6 sa Philadephia para sa kanilang ikalawang Eastern Conference finals sa loob ng apat na seasons.

Sakali namang mapuwersa ng 76ers ang serye sa Game 7, babalik ito sa Toronto sa araw ng Lunes.

Samantala, naglista ng 22 points si Jimmy Butler at si Tobias Harris na may 15 para sa Philadelphia, na nabigo na sa ikalawang dikit na pagkakataon matapos magwagi sa nakaraang dalawang laro.