HOUSTON – Nagsama ng puwersa sa opensa sina Kawhi Leonard at LaMarcus Aldridge na may tig-26 points upang iangat ang San Antonio Spurs, 103-92,  kontra sa karibal na Houston Rockets.

Dahil dito abanse na ang Spurs sa 2-1 sa Western Conference semifinals series.

Ito ay sa kabila na hindi na muna maglalaro si Tony Parker bunsod sa dinanas na injury sa Game 2.

Nagpakitang gilas naman si Aldrige upang punan ang pagkawala ni Parker.

Sa panig ng Rockets nagpursige ng husto si James Harden nang maipasok ang 43 points mula sa dati lamang na 13 points performance sa Game 2.

Sa ngayon liban sa big points, may five assists si Harden pero kulang ang kanyang assists.

Marami ring inaangal ang Rockets star sa ilang mga calls ng referee.

Samantala, matapos ang Game 4 sa Lunes sa teritoryo ng Houston, babalik na ang Game 5 sa San Antonio sa Miyerkules.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here