Lebron James lakers 1
-- Advertisements --

Naisalba ni NBA superstar Lebron James ang Los Angeles Lakers sa overtime game laban sa Indiana Pacers, 124-116.

Kung maalala sa huling game ng Lakers ay natalo sila ng New York Knicks kung saan hindi nakalaro si LeBron dahil sa one game suspension matapos ang away nila ni Isaiah Stewart ang center ng Detroit Pistons.

Sa laro kanina nagbuhos si James ng 39 big points kasama na ang 3-pointer na nagtabla sa laro at ang mahalagang ring 3-pointer din sa overtime game.

Ito ay sa kabila na hindi nakalaro ang Lakers All-Star center na si Anthony Davis.

Ito na ang ika-10 panalo sa 10 ring talo ng Lakers habang nalasap naman ng Pacers ang ika-12 talo.

-- Advertisement --