lebron james lakers
LeBron James/ NBA image

Hindi sang-ayon si NBA star LeBron James na maglalaro sila ng walang fans na nanonood dahil sa banta ng coronavirus o COVID19.

Sinabi ng Los Angeles Lakers star mas gugustuhin na niyang hindi maglaro kung walang manonood sa kanilang laro.

Iginiit nito na naglalaro siya para sa mga fans kaya walang kuwenta kung naglalaro ito ng walang fans na nanonood.

Nauna rito pinaghahanda ng pamunuan ng NBA ang mga koponan na asahan nilang walang mga fans na manonood sa mga laro para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.