-- Advertisements --

Wala pang kasiguraduhan kung kailan muling makakabalik sa game ang NBA superstar na si LeBron James matapos na magtamo ng ankle injury kasabay nang pagkatalo ng Los Angeles Lakers sa Atlanta  Hawks, 99-94.

Ayon sa team “indefinitely” na mawawala muna si James at sasailalim ito sa MRI.

Nangyari ang injury ng dating MVP sa first half nang magbanggaan sila ni Solomon Hill ng Hawks.

Tinawagan ng foul si Solomon may 10:50 minuto ang natitira sa 2nd quarter.

Sinasabing napasigaw si James sa labis na sakit na maramdaman nang ininda niya ito habang nasa sahig ng court.

-- Advertisement --

Aminado naman ang mga teammates na kabado sila sa kalagayan ng 18-year veteran lalo na at nasa injury din ang big man nila na si Anthony Davis.

Ang center naman na si Marc Gasol ay nasa ilalim pa ng health protocols.

Ang next game ng Lakers ay sa Lunes na laban sa Suns.