Bigo pa ring makasipot sa ikalawang sunod na practice session ng Cleveland Cavaliers ang NBA superstar na si LeBron James.

May kaugnayan pa rin ito sa natamong pilay sa kanyang kaliwang bukong-bukong noong unang praktis nila nitong nakalipas na araw.

Nangyari ang pilay ni LeBron matapos na pormal na pumirma sa Cavaliers ang malapit niyang kaibigan na si Dwayne Wade.

Inaabangan naman kung kaya na ni James na bumalik sa unang preseason games ng koponan sa sunod na Huwebes kontra sa Atlanta Hawks.

Ang bagong NBA season ay magbubukas na sa October 17 at buwena manong makakalaban ng Cavs ang Boston Celtics.

Ito rin ang unang pagkakataon na maglalaro ang Cleveland guard na si Kyrie Irving mula nang lumipat sa Celtics.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here