westbrook
-- Advertisements --

Inamin nina NBA superstars LeBron James at Anthony Davis na kanilang pinayapa ang saloobin ng bago nilang teammate na si Russell Westbrook na labis na nadismaya sa pagkatalo ng Los Angeles Lakers sa unang game.

Bagamat ang veteran na si LeBron ang best performer, napunta naman kay Westbrook ang worst performer.

Ibinahagi rin ni LeBron na mabigat daw ang loob ng dating MVP na si Westbrook nang inalat ito sa game kahapon kontra sa Golden State Warriors.

Ayon kay James, biniro raw nila si Westbrook na umuwi muna at manood ng comedy film para naman makatawa ito.

Liban nito, pilit din daw nila itong kinakausap na isang game pa lang naman ang talo nila at malayo pa ang tatahakin na kampanya sa bagong NBA season.

-- Advertisement --

Aminado rin naman sina LeBron, Davis at coaching staff na sa ngayon nasa adjustmet period pa ang kanilang team.

Umaasa na lamang sina LeBron na makakabawi rin si Westbrook sa next game nila sa Sabado laban naman sa Phoenix Suns.