-- Advertisements --

batangasops1

Patay matapos umanong manlaban ang sinasabing mastermind sa pagpatay sa isang company messenger sa Valenzuela noong Oktubre.

Sa ulat mula kay PNP OIC Lt. Gen Guillermo Eleazar, nasawi ang suspek na si Anthony Cubos o mas kilala sa tawag na “Big Boss” makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Lipa, Batangas kagabi.

Aarestuhin sana siya sa bisa ng warrant of arrest nang paputukan nito ang mga tauhan ng Lipa City Police, Provincial Drug Enforcement Unit, at Valenzuela City Police.

Nabatid na si Cubos ay isang AWOL police officer at leader nang tinaguriang Cubos criminal group na sangkot sa kidnapping, robbery extortion, gun-for-hire at illegal drug activities.

Kasama rin siya sa listahan ng Level 3 at PNP National Drug Watch List ng pushers at protectors ng illegal drugs.

Siya ang sinasabing mastermind umano sa pagpatay kay Nino Luegi Hernando na ninakawan ng halos kalahating milyong piso.