BUTUAN CITY – Walang dapat na ikakabahala sa suplay sa kuryente sa rehiyon ng Caraga.
Ayon kay Kristoffer Abellanosa, tagapagsalita ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP-District 2 Northeastern Mindanao Area na may sapat na suplay sa kuryente para sa rehiyon ngunit mag-dedepende pa rin ito sa paggamit dahil sa kilos ngayon sa merkado na apektado sa geo-politics.
Ito ang dahilan na mahigpit ang kanilang panawagan na magtipid sa paggamit ng kuryente.
Mayroon umanong 3,487 mega watts na available na sapat na para sa Caraga Region.
Kasama sa nilinaw ni Abellanosa na walang ipapatupad na increase sa power rates sa mga electric cooperative na kanilang sinusuplayan.
Ayon pa nito na kung may ipapatupad man silang increase sa power rates ay kailangan nilang humingi ng pag-apruba sa Energy Regulation Commission at kung mayroon man ay magbibigay sila ng official release.
Paliwanag pa sa opisyal na ang Department of Energy ang may kaalaman kung mayroong adjustments sa power plants at sila rin ang magpapalabas ng advisory sa publiko.
















