-- Advertisements --

Tumaas ng 9.5% year-on-year ang loans mula sa universal at commercial banks (U/KBs) noong Pebrero 2026, mas mataas kumpara sa 9.3% noong Enero, ayon sa preliminary data.

Matapos i-adjust para sa seasonal fluctuations, lumago ng 0.8% month-on-month ang outstanding U/KB loans sa parehong buwan.

Ang outstanding loans sa residents ay tumaas ng 10.1% mula sa 9.9% noong Enero, habang bumaba naman ng 13.2% ang loans sa non-residents, mas malaki kaysa sa 10.4% decline sa parehong panahon.

Ang loans para sa business activities ay lumago ng 8.6%, mula sa 8.2% noong nakaraang buwan. Kabilang sa mga industriya na may pagtaas sa lending ay ang:

  • – Electricity, gas, steam, and air-conditioning supply (23.5%)
  • – Real estate activities (9.0%)
  • – Wholesale and retail trade, at repair of motor vehicles and motorcycles (8.2%)
  • – Transportation and storage (19.3%)
  • – Water supply, sewerage, waste management, and remediation activities (26.0%)
  • Samantala, ang consumer loans sa residents ay lumago ng 20.8%, bahagyang bumaba mula sa 21.3% dahil sa pagbagal ng credit card at motor vehicle loans.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mahalaga ang bank loans bilang transmission channel ng monetary policy.

Sa mga susunod na buwan, titiyakin ng BSP na ang domestic liquidity at lending conditions ay mananatiling naaayon sa kanilang price at financial stability mandates.