Naging sentro ng mensahe ni His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle ang pananatiling gising, mulat, at alerto sa mga kaganapan.
Bilang Pro-Prefect of the Section for First Evangelization and New Particular Churches of the Dicastery for Evangelization, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging maalam at may malasakit sa nangyayari sa paligid.
Ayon sa kaniya, ito rin ang nais ng Panginoon sa kaniyang mga pagtuturo sa mga mananampalataya.
Kaya’t nananawagan si Cardinal Tagle na tuparin ang pagiging mulat sa katotohanan para sa ikabubuti ng nakararami.
“Jesus needs us to journey with him, as he journeys with us. Will we stay with him? Will we be alert? Like him, who has always been alert, to fulfill God’s word and to pour his life out of love for us. He needs our company. Will we be there? Will we remain and stay awake with Jesus?,” wika ni Cardinal Tagle.
















