-- Advertisements --
Handang-handa ang grupong Masculados sa kanilang pagbabalik sa eksena ng musika.
Ayon sa grupo na nais nilang makuha ang atensyon ng mga makabagong henerasyon o ang tinatawag na Gen Z.
Ang grupo ay kinabibilangan ng mga miyembro na sina Chard, Robin, Nico, David, Enrico and Orlando.
Bagamat hindi pa nila inanunsiyo ang petsa ng kanilang pagbabalik ay nagsasagawa na sila ng ensayo.
Labis ang kasabikan ng grupo na malaman kung ano ang masasabi ng mga bagong henerasyon sa kanilang mga kanta.
Taong 2003 ng nabuo ang grupo kung saan ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Jumbo Hotdog”, “Sana Mama”, “Nakaka” at marami pang iba