-- Advertisements --
Pinasabugan ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang patrol car ng Rajah Buayan Municipal Police Station sa Barangay Sapakan ngayong araw.
Ayon sa ulat, rumeresponde ang mga pulis sa bahay ng Municipal Administrator matapos makatanggap ng impormasyon ukol sa naunang pagsabog sa lugar, nang biglang mangyari ang insidente habang binabaybay nila ang kalsada.
Kinumpirma ni Police Captain Steffi Salanguit, tagapagsalita ng PRO BAR, na wala namang nasugatan sa mga tauhan ng pulisya sa kabila ng pagsabog.
Patuloy pang hinihintay ng pulisya ang kumpletong detalye kaugnay ng insidente habang isinasagawa ang imbestigasyon.











