KALIBO, Aklan – Inanunsyo ng Caticlan Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative (CBTMPC) na epektibo sa Abril 16, 2026 ay magkakaroon ng bagong pamasahe sa kanilang mga lumalayag na motorbanca mula sa Caticlan port patawid sa Isla ng Boracay vice versa mula sa dating P50 ay magiging P60 na ito.
Ang mga may diskwentong pamasahe na P50 ay para sa mga discount card holders; at P45 naman sa mga senior citizens, students, buntis, at persons with disabilities (PWDs) alinsunod sa ipinapatupad ng batas na nagbibigay ng 20 porsiyentong diskwento.
Ang pagbabago sa halaga ng pamasahe ay pansamantalang hakbang sa tumataas na presyo ng langis dulot ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
Ayon kay CBTMPC consultant Godofredo Sadiasa, layunin nito na mabalanse ang pangangailangan sa operasyon ng transportasyon at sa ikabubuti ng mga commuters.
Kaugnay nito, tiniyak ng kooperatiba sa mga commuters na babalik sa dating singil ang pamasahe sa oras na bumalik sa normal ang presyo ng langis.
















