Nagpasya ang Fédération Internationale de Football Association (FIFA) at Asian Football Confederation (AFC) na ipagpaliban ang mga tatlong laro ng Philippine Azkals’ FIFA World Cup Qatar 2022/ AFC Asian Cup China 2023 Preliminary Joint Qualification Round 2 matches dahil sa banta ng coronavirus.

Dahil dito ay kanselado na ang laban ng Azkals kontra sa Guam sa March 26, 2020, ang laban ng Azkals kontra China sa Hunyo 4, 2020 at ang laban ng Azkals kontra Maldives sa Hunyo 9, 2020.

Ang mga bagong petsa ng laro ay iaanunsiyo sa mga susunod na araw ng FIFA at AFC.

Sa kasalukuyan ay nasa pangaltong puwesto ang Azkals sa Group A na may seven points, na pinangungunahan ng Syria na may 15 points habang ang China ay mayroong 7 points.

Ang dalawang koponan na magwawagi ay uurong sa ikatlong round ng FIFA World Cup qualifying para sa Asian Cup 2023.