NAGA CITY- Bangkay na ng matagpuan ang katawan ng lalaking nakasakay sa lumubog na bangka sa Bicol River sa Barangay Mambalite, Libmanan, Camarines Sur.

Una rito sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na kinuha ng lalaki ang naturang bangka na hindi nagpaalam sa may-ari bago pumalaot sa naturang ilog.

Sinasabing pagdating sa gitnang bahagi ng ilog, aksidente lumubog ang bangka kasama ang biktima.

Sa ngayon, nag-apila ng tulong ang kapulisan sa publiko para mabilis na makilala ang bangkay at mai-ture over sa pamilya nito.

Samantala, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hingil sa naturang pangyayari.