CAUAYAN CITY- Namatay ang isang lalake matapos malunod sa irrigation canal sa Lapaz Cabatuan, Isabela.

Ang biktima ay si Poldo Villanio, residente ng Barangay Nagrumbuan Cauayan City.

Batay sa pagsisiyasat ng Cabatuan police Station lumalabas na binabagtas ng biktima ang kahabaan ng daan sa barangay Lapaz, Cabatuan nang mawalan ito ng kontrol sa manibela ng minamanehong motorsiklo at dumiretso sa irrigation Canal.

Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here