-- Advertisements --
NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainoman sa Zaldua St. Purok 5, Barangay I, Daet, Camarines Norte.
Kinilala ang biktima na “RONNIE”, 32-anyos residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), napag-alaman na nagkaroon ng mainit na argumento ang biktima sa suspek na kinilalang si “Mark” 27-anyos.
Basado sa imbestigasyon nag tamo nang tatlong saksak sa parteng tiyan ang biktima na agad namang isinugod sa ospital.
Sa ngayon nag papatuloy pa ang imbestihagasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.