-- Advertisements --

NAGA CITY- Sugatan ang isang pinaniniwalaang may problema sa pag-iisip matapos makasabit sa wire na nakalaylay sa may kalsada sa Camaligan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na isang 43-anyos, residente ng Brgy. San Juan sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na sumakay ang nasabing persona sa jeep na papunta sa centro ng Naga mula sa Camaligan kung saan pagdating sa may Brgy. San Roque, bigla na lamang itong bumaba at dito na nakasabit sa wire ang leeg ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon kan mga otoridad, napag-alaman na dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.