DAVAO CITY – Posibleng haharap sa dalawang kaso ang isang lalaki dahil sa pananakit nito sa kanyang asawa at pagsunog ng kanilang bahay.

Kulong sa Tugbok police station si Rofel Baguioro, 29 anyos, taga Los Amigos Tugbok District nitong lungsod ng Dabaw matapos sinunog nito ang kanilang bahay.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan, unang sinunog ni Baguioro ang kanilang pedicab ngunit hindi pa ito nakontento at sinunog naman ang sariling pamamahay.

Napag-alamang galing sa pamamasada ang suspek at sa pag-uwi nito, laking galit ang kanyang naramdaman dahil hindi pa nakaluto ng hapunan ang kanyang misis dahil nakababad ito sa panonood ng teleserye.

Dahil umano sa halo-halong emosyon – gutom at galit, hindi na nakontrol ng suspek ang kanyang sarili dahilan na sinunog nito ang kanilang pedicab at mismong bahay.

Mabuti na lamang at agad na rumesponde ang kabomberohan dahilan na hindi umaabot sa ibang kabahayan ang apoy.

Tinatayang aabot sa P100,000 ang damyos ng nasabing sunog.

Sa kabilang banda, posibleng mahaharap ng kasong Violence Against Women and Children (VAWC) at kasong Arson ang nasabing suspek.