-- Advertisements --

NAGA CITY- Pinagbabaril-patay ang isang lalaki sa Brgy. Antipolo, Iriga City.

Kinilala ang biktima na si Dany Nonoso, 30-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Col. Alejandro Monge II, hepe kan Iriga PNP, napag-alaman na kasama ni Nonoso ang kaniyang 9-anyos na anak na lalaki para mag-igib ng tubig ngunit bigla na lamang itong pinagbabaril-patay ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspek gamit ang hindi pa malaman na uri ng baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoidad, dahil sa insidente, nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang biktima na nagresulta sa agaran nitong kamatayan habang agad naman na nakatakbo ang kaniyang anak.

Ayon pa dito, narekober din sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang fired cartridge case ng Cal. 45.

-- Advertisement --

Samantala, agad naman na tumakas papunta sa may bundok na bahagi ang mga suspek matapos ang naturang krimen.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad maging ang pag-alam sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.