NAGA CITY- Patay ang isa katao matapos pagbabarilin ng mag-ama sa Brgy Itulan, Pasacao, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Milliano Blanco, 25-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpat. Maria Victoria Abalaing, hepe ng Pasacao-PNP, sinabi nito na bigla na lamang umanong pumasok sa bahay ng biktima ang mag-amang sina Jaime Miranda, 47-anyos at Jeffrey Miranda, 26-anyos.

Nang makita nito ang biktima ay bigla na lamang itong pinaputukan ng ilang ulit ni Jaime gamit ang cal. 45 na baril.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na nagig dahilan ng kanyang pagakamatay.

Pinaniniwalaang ang dating alitan sa pagitan ng mga ito ang rason ng nasabing pamamaril.

Sa ngayon patuloy pang pinaghahanap ang mag-ama na agad na nakatakas matapos ang nasabing krimen.