-- Advertisements --

BAGUIO CITY–Natagpuan ang bankay ng isang lalaki sa loob ng kanyang tinitirahan apartment sa Lower Magsaysay, Baguio City.

Nakilala itong si Rolly Repalda Bodigon, binata , laborer at residente sa nasabing lugar.

Base sa report ng kapulisan, nadiskubre ng kapatid ng nasabing indibidual ang bangkay nito sa loob ng kanyang kwarto.

Ayon sa salaysay ni Roger Bodigon, ilang beses nitong kinatok ang silid ng kanyang kapatid para manghapunan ngunit hindi umano nagsasalita ang binata.

Nagpasya si Roger na buksan ang kwarto ng kapatid sa pamamagitan ng duplicate key at dito niya nakita na nakahilata sa sahig ang kanyang kapatid.

Agad umano siyang humingi ng tulong sa kapitbahay at itinakbo ang kanyang kapati sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa doktor, posible walo hanggang 12 oras nang patay ang binata bago siya natagpuan ng kanyang kapatid.

Inilabas sa imbestigasion na posibleng nagpakamatay ang binata base na rin sa resulta ng otopsiya ng bankay.