Lalaki
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang lalaki nang pagbabarilin habang nagpapagubit sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Jomar Utto Tatak na residente ng Purok Magungaya, Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City.

Ayon sa ulat ng pulisya na habang nagpapagupit ang biktima sa Dam Barber Shop sa Liwa Candao St., Brgy RH 3 ng lungsod ay bigla itong pinasok ng mga hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre .40 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga salarin sakay nang dalawang motorsiklo.

Patay on the spot si Tatak nang magtamo nang maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

-- Advertisement --

Personal na alitan o atraso ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pagpapatay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.