LAOAG CITY – Patay ang isang lalaki matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Manalpac, Solsona, Ilocos Norte.

Kinilala ni Corporal Leomar Yanguas, imbestigador ng PNP Solsona ang biktima na si Loreto Ibana, 55, at nakakaranas ng depresyon.

Sinabi ni Yanguas na nakita mismo ni Isidro Ibana Jr. ang kanyang kapatid na nakalambitin ang leeg gamit ang nylon rope sa kisame ng bahay.

Sa Imbestigasyon, una nang nagtangka na magpakamatay ang biktima noong Oktubtre ngunit napigilan ang kanyang mga kamag-anak at noong Hulyo at nakakaranas ng haloccination.

Paalala ni Yanguas na hindi sulosyon ang pagbibigti sa mga problema sa buhay.