Lalong nabaon sa peligro ngayon ang Los Angeles Lakers na makuha muli ang titulo makaraang tambakan sila ng Phoenix Suns sa Game 5 ng Western Conference first-round series, 115-85.
Sinamantala ng Suns ang kawalan pa rin ng Lakers big man na si Anthony Davis bunsod ng injury.
Hindi nagpaawat ang Suns na sa first quarter pa lamang ay umabot kaagad sa 16-0 ang agwat hanggang sa hindi na lumingon pa.
Nanguna sa walang humpay na diskarte si Devin Booker na halos mag-isang tinapatan pa ang mga the Lakers starters 22-16.
Wala ring nagawa si LeBron James na nagtala ng 24 points kung saan umabot lamang sa siyam ang naipasok mula sa 19 na pagtatangka.
Kasama na ang 6-for-10 sa 3-points area at seven assists.
Sa pagkadismya hindi na tinapos ni James ang fourth quarter.
Inalat pa ang mga kasama ni James na sina Dennis Schroder Kentavious Caldwell-Pope, Alex Caruso, Wesley Matthews at iba pa.
Kapag tuluyang nabigo ang Lakers sa kanilang kampanya, sila ang ika-anim na defending champion sa liga ang agad na nangulelat sa first round ng playoff season.
















