Muling pinatunayan ng Los Angeles Lakers ang kanilang pagiging road warriros matapos na iposte ang 7-0 straight record sa road games.

Nakuha nila ang huling panalo nang tambakan ng husto ang Oklahoma City Thunder, 128-99.

anthony davis lebron james Lakers
Lakers power duo LeBron and AD (photo @Lakers)

Muling nanguna si LeBron James nang maitala ang 26 points.

Nag-ambag din naman sina Montrezl Harrell ng 21 points at si Anthony Davis na nagpakita ng 18 points at seven rebounds para sa kanilang 10-3 kartada.

Umabot pasa sa 24 points ang kalamangan ng LA sa second quarter bagao nakadikit ang Thunder sa 58-46 sa halftime.

Hindi naman nagpaawat si James na tumupin ng 15 points sa first half.

Sa kabilang dako si Shai Gilgeous-Alexander naman ang nanguna sa opensa ng Oklahoma City (5-6) na may 17 puntos.

Sunod na laro ng Lakers ay sa Sabado laban sa New Orleans na dadayo sa kanila.

Ang Thunder naman ay haharapin ang Chicago.