lakers lebron davis
Lakers game (file photo)

Tinuldukan na rin ng Indiana Pacers ang pamamayagpag ng Los Angeles Lakers makaraang pahiyain sa score na 104-102.

Winakasan ng Pacers ang 14 winning streak record ng Lakers nang malasin sa huling sandali ng game.

Naging bida sa panalo ng Pacers sina Domantas Sabonis na may 26 points at si Malcolm Brogdon na umagaw ng atensiyon ang kanyang reverse layup sa huling segundo ng laro.

Sinamantala rin ng Pacers ang kawalan ni Anthony Davis sa Lakers.

Nasayang naman ang ginawang diskarte ni LeBron James na pomoste ng 20 points, nine rebounds at nine assists.

Minalas din si LeBron nang sumablay ang tira na 3-pointer na sana ay nagbigay sa kanila ng kalamangan.

Sa kabila nang pagkatalo kabilang pa rin sa leading ang Lakers sa hawak na 24-4 kartada, habang ang Pacers ay may 19-9.