-- Advertisements --

Muli na namang minalas ang Los Angeles Lakers matapos na masilat ng Portland Trail Blazers, 106-101.

Dahil dito, umabot na sa walong games na nabokya ang Lakers mula sa huli nilang 10 games.

Swerteng nakakapit pa rin sa huling slot sa No. 6 spot sa Western Conference ang Lakers, pero nahabol na sila ni Blazers.

Aminado si Lakers coach Frank Vogel na kailangang ipanalo nila ang limang natitirang games upang maiwasang tuluyang malaglag sa playoffs.

Naging matinding tinik sa Lakers (37-30) ang performance ni Damian Lillard ng Blazers (38-29) nang umiskor ng 38 points kasama na ang limang 3-point shots.

Nasayang tuloy ang big game ni Anthony Davis na kumamada ng 36 points at 12 rebounds para sa Lakers, na wala pa ring LeBron James na naglaro sa ikatlong sunod dahil sa nagpapagaling pa sa injury.