-- Advertisements --
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga paaralan at negosyante sa bansa na tiyakin na dapat ituro sa mga Filipino ang sapat na training programs para makasabay sa kailangan ng labor markets.
Sinabi nito na kaniyang pagbisita sa Lipa-Malvar Estate sa Batangas State University LIMA Campus sa Malvar at Lipa City, Batangas, na kapag nagkaroon ng skills ang tao a madali silang makakahanap ng makabuluhang trabaho.
Kasabay din nito na ang edukasyon ay nandiyan para tugunan ang kailangan ng mga industriya.
Inihalimbawa ng pangulo ang isang pag-aaral noong 2021 kung saan ilan sa mga college graduates ay may trabaho na ito ay inilaan talaga para sa mga non-college education.
















