-- Advertisements --

Aminado ang coach ng Los Angeles Lakers na naghahanda na sila ngayon sa posibleng pangmatagalang pagkawala ng kanilang main man at NBA superstar na si LeBron James.

Ginawa ni Lakers coach Frank Vogel ang pahayag matapos na malasap ng team ang ikalawang talo kasunod sa pagkawala ni LeBron.

Kanina nasilat nang Phoenix Suns ang Lakers, 111-94.

LeBron injured
LeBron James (photo from @Lakers)

Ayon kay coach Vogel, kailangan pa nila ang ilang adjustment para magbagong anyo ang team na walang aasahang LeBron James sa kanilang mga laro.

Ang defending champion na meron ng natipon na 28 wins ngayong season katulad ng Phoenix, ay minalas din at ‘di pa rin naglalaro ang isa pang star na si Anthony Davis.

-- Advertisement --

Halatang nangangapa sa opensa ang Lakers na inabot lamang ng 41 percent sa field.

Nanguna sa koponan si Montrezl Harrell na may 23 points mula sa bench.

Sa kampo ng Suns si Chris Paul ay nagposte ng triple-double na may 11 points, 13 assists at 10 rebounds.