-- Advertisements --

Sinibak ng Los Angeles Lakers ang kanilang head coach na si Darvin Ham.

Kasunod ito sa pagkalaglag ng Lakers sa first round playoffs laban sa Denver Nuggets.

Ang 50-anyos na si Ham ay mayroong 90-74 records sa dalawang season nitong naging coach kasama na ang paglaro ng koponan sa Western Conference Finals noong nakaraang season.

Ayon kay Lakers general manager at vice president of basketball operations Rob Pelinka na isang mahirap na desisyon ang mahiwalay kay Darvin.

Pinasalamatan nila ang naging kontribusyon ng coach sa mga panalo ng koponan.

Tiniyak na gumagawa sila ng paraan para lalong umangat ang Lakers at makakuha ng kampeonato.

Bago naging Lakers coach ay naging assistant coach si Ham ng Atlanta Hawks, Milwaukee Bucks at Lakers ng dalawang season mula 2011 hanggang 2013.