Target ngayon ng senado na bumuo ng ‘Build Back Better Fund’ para sa pagsasagawa at rekonstruksyon ng mga gusaling napinsala bunsod ng magkakasunod na lindol na tumama sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian, nag-iisip na ng paraan ang senado upang bumuo ng paraan para magamit ang pondo para makatulong sa mga residenteng apektado ng lindol gaya na lamang ng Bogo City sa Cebu.
Ani Gatchalian, sa kasalukuyan merong pondo na nakalaan at tinatawag na ‘Local Support Fund’ na siyang balak gamitin upang makakuha ng pondo na gagamitin para maipaayos ang pagbuo muli ng kanilang mga tahanan.
Nanindigan naman ang senador na hindi ito magiging panibagong item sa listahan ng 2026 National Budget at maglalaan lamang ng mga bagong batayan na maaaring maging daan para magamit ang pondo sa mga ganitong sitwasyon.
Samantala, inanunsyo naman ni Gatchalian na mayroon pang natitirang higit sa P182 bilyong halaga ng pondo para sa mga ahensyang tumutugon sa mga pangangailangn ng mga apektadong residente.
Sa ngayon, nakikita na sasapat ang ponding ito hanggang matapos ang taong 2025 at hindi rin naman nangangailangan pa ng supplementary fund.