-- Advertisements --

Inatasan ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez ang pagbawi ng mga protocol license plate na ginagamit ng mga opisyal ng ahensya at ng mga attached agencies nito.

Ayon sa kautusan, layunin ng hakbang na ito na maiwasan ang maling paggamit ng mga plaka at mapanatili ang integridad ng mga opisyal na sasakyan. Bahagi rin ito ng mas pinaigting na transparency at accountability sa loob ng kagawaran.

Inaasahan na ang mga opisyal na sasakyan ay muling irehistro gamit ang regular na government plates alinsunod sa umiiral na regulasyon ng Land Transportation Office (LTO).

Dagdag pa ni Lopez, ang pagbawi ng protocol plates ay bahagi ng mas malawak na reporma sa DOTr upang mapalakas ang tiwala ng publiko sa mga institusyong pampamahalaan.