Pinagka-quarantine na ang lahat ng personnel ng Ninoy Aquino International Airport Task Force Againts Trafficking (NAIATFAT) matapos magpositibo ang apat nilang personnel sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kabilang na ang 18 personnel na sumalang sa PCR Swab Test sa PGH noong July 2, 2020 na sasalang din sa mahigpit na self-quarantine measures sa loob ng 14 araw.
Una rito, pansamantalang isinara ang opisina ng Ninoy Aquino International Airport Task Force Against Trafficking (NAIATFAT) sa Terminal 1, 2 at 3 matapos magppsitibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ang kanilang personnel.
Ayon sa Department of Justice (DoJ), kinumpirma ng Philippine General Hospital na apat na personnel ang nagpositibo sa COVID-19 PCR Swab Test.
Dahil dito, ang mga opisina ng NAIA Task Force Against Trafficking and IACAT na matatagpuan sa NAIA Terminals 1, 2 at 3 ay isasailalim sa mahigpit na 14 day lockdown.
Nagsimula na ito kahapon hanggang July 22.
Ang naturang mga opisina ay isasailalim daw sa disinfection at cleaning procedures habang naka-lockdown ito ng 14 days.
Sa naturang period, lahat ng personnel at ang publiko ay pagbabawalan din munang makapasok sa gusali para mapigilan ang pagkalat pa ng virus.
Isasagawa rin ang reporting at coordination sa mga concerned agencies para sa contact tracing ng mga posibleng nakasalamuha ng apat na NAIATFAT personnel.
Ang mga personnel naman na inaasahang nasa loob lang ng kajolang mga bahay ay inaasahang on call para sa mga urgent matters o concerns.