Sinuspinde muna ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng lahat ng mga national at regional events bunsod pa rin ng outbreak ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa DepEd, kabilang na rito ang mga Palaro Regional Meets kung saan nagtitipon-tipon ang mga student-athletes mula sa iba’t ibang mga lokalidad.

Ang pasya naman ukol sa Palarong Pambansa ay nakasalalay sa desisyon ng Palaro board.

Gayunman, tuloy pa rin ang National Festival of Talents (NFOT) at National Schools Press Conference (NSPC) dahil nasa venue na ang mga kalahok.

Tiniyak naman ng kagawaran na kanila nang pinaigting ang mga precautions upang masiguro ang kapakanan ng mga estudyante.

Samantala, ang mga pasya kaugnay sa iba pang mga aktibidad ng DepEd ay depende pa sa magiging abiso mula sa Inter-Agency Task Force.