Muling ipinahayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang buong suporta kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa gitna ng mga ulat na may ilang senador na nagbabalak kumalas sa majority bloc ng Senado.
Sa isang panayam sinabi ni Lacson na nananatili ang kanyang tiwala sa pamumuno ni Sotto at pinuri ang istilo nito sa pamumuno na nakabatay sa consensus at hindi padalos-dalos na desisyon.
Ang pahayag ni Lacson ay kasunod ng pagkadismaya ni Senador JV Ejercito sa umano’y kakulangan ng aksyon ng Senado laban sa iregularidad sa mga flood control projects, na dahilan kung bakit iniisip na umano niyang umalis sa majority bloc.
Giit ni Lacson, nasa kamay ng mga senador ang kapalaran ng liderato sa Senado, at kung may 13 boto, maaaring palitan ang nakaupong lider sa Senado.