Posibleng sa buwan ng Hunyo o Hulyo ang muling pagsabak ni Manny Pacquiao.

Sinabi ni Arnold Vegafria, nagsisilbing business manager ng boxing senator, pumipili pa sila ng lugar kung saan ito maaring gawin.

Ilan kasi sa mga lugar na kanilang kinokonsidera ay ang Saudi Arabia, sa Middle East, Asia o sa United States.

Wala pa ring naisasapinal kung sino ang makakalaban ng boxing Filipino champion sa pagitan nina Danny Garcia, Errol Spence at Mikey Garcia.

Huling lumaban si Pacquiao ay noong July 2019 ng talunin si Keith Thurman.