Nagtapos sa draw 2-2 ang laban ng Philippine Football League champion Ceres-Negros kontra sa Than Quang Ninh ng Vietnam.

Unang nakapagtala ng score si Bienve Marañon sa kaniyang penalty strike halftime na sinundan ng score OJ Porteria sa 62nd minute sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Stadium.

Itinuring naman na bayani ng Vietnam si Hai Huys na naitabla ang score sa Ceres.

Dahil sa resulta ay nanguna ang Ceres sa Group G matapos na matalo ang Indonesia sa Cambodia 1-2.