LA UNION – Kinumpirma ngayon ng Provincial Health Office ng La Union na ang mga nakasabayan sa bus ng nagpositibong kaso sa Ilocos Sur ay mga residente ng Bagulin at Aringay dito sa lalawigan.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Eduardo Posadas, ang dalawa ay hindi positibo sa Covid 19 pero isinailalim sila sa swab testing.

Patuloy namang inaalam ng Provincial Health Office at DOH Region 1 ang pagkakakilanlan ng dalawa.

Sinabi rin ng DOH REGION 1 na walang naidagdaga na Covid 19 cases sa La Union nitong June 10, 2020

Patuloy naman ng pagkalap ng karagdagang impormasyon pa ng Bombo Radio La Union News Team kaugnay ng nasabing impormasyon.